Wednesday, March 25, 2009

Malamig na Baso ng Halo-halo na walang laman

Narito po ang baso ng halo-halo na nilagyan ng condensation o pawis sa kanan na isang teardrop na softbody. Pinagapang ko ito sa baso sa pamamagitan ng path na constraint.





Sa kaliwa ng larawan ay makikita ang low resolution na fluid simulation na condensation. Ginamitan ko ito ng dalawang obstacle para mapagapang sa gilid ng baso. Kailangan pa ng tweaking.



Narito ang resulta na wala pang malamig na singaw.


Ang pangalawang suliranin ay ang malamig na singaw. Narito ang aking pagsubok gamit ang particles.



At ang kinalabasang still:



Panghuli, ay ang animation, enjoy :-):



Kopya sa animate.blip.tv: http://blip.tv/play/AfXEfQA

Tuesday, March 24, 2009

Simula ng Proyektong Halo-halo

Haay! Tag-init na naman. Masarap talagang maghalo-halo. Kaya ang una kong proyektong animation sa Blender ay may codename na proyektong halo-halo.

Hindi ito tungkol sa halo-halo. Tsaka ko na ilalahad ang buong kuwento kapag naimodel ko na ang mga tauhan. Pero pansamantala ay gumagawa ako ng logo na halo-halo. Akala ko simple lang pero nakakalbo na ako sa kaiisip ng mga paraan para magmukha itong masarap.

Ang una kong render ay ang baso ng halo-halo. Wala pang laman. Heto, at nahihirapan akong maghanap ng maayos na glass material mula sa Blender Materials Open Repository.





























































Susunod na gawain:

  • Laman na halohalo sa loob
  • Iyong yelo at ube sa ibabaw
  • Mga tulo ng tubig
  • Malamig na hanging bumababa mula sa ibabaw ng baso

Hanggang sa susunod....
 
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported License.