Tuesday, March 24, 2009

Simula ng Proyektong Halo-halo

Haay! Tag-init na naman. Masarap talagang maghalo-halo. Kaya ang una kong proyektong animation sa Blender ay may codename na proyektong halo-halo.

Hindi ito tungkol sa halo-halo. Tsaka ko na ilalahad ang buong kuwento kapag naimodel ko na ang mga tauhan. Pero pansamantala ay gumagawa ako ng logo na halo-halo. Akala ko simple lang pero nakakalbo na ako sa kaiisip ng mga paraan para magmukha itong masarap.

Ang una kong render ay ang baso ng halo-halo. Wala pang laman. Heto, at nahihirapan akong maghanap ng maayos na glass material mula sa Blender Materials Open Repository.





























































Susunod na gawain:

  • Laman na halohalo sa loob
  • Iyong yelo at ube sa ibabaw
  • Mga tulo ng tubig
  • Malamig na hanging bumababa mula sa ibabaw ng baso

Hanggang sa susunod....

No comments:

 
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported License.