Wednesday, April 29, 2009

Subok ng pakpak ng maya

Proyektong halo-halo: Pakpak ng maya

Ang una kong bersiyon ng rig ng maya ay gumamit ng IK chain. Makikita sa ibaba na hindi ko pa gaanong makuha ang pagtupi ng mga pakpak.





Heto ang maigsing subok ng animation ng pakpak. Inikot-ikot ko lang ang maya kaya nagshimmer bunga ng pagbabago sa ilaw. Di ko kasi naiparent ang ilaw sa root bone ng rig.

Armature rig ng ibong maya

Proyektong halo-halo: Armature ng ibong maya

Kontrol na buto






Lahat ng buto



Ang unang pose ng ibong maya

Sunday, April 26, 2009

Friday, April 24, 2009

Mesh ng Ibong Maya

Proyektong Halo-halo 6: Mesh ng ibong maya

Nakahanda na para sa rigging ang mesh ng ibong maya.



Sunday, April 19, 2009

Pangalawang tauhan: dibuho ng maya

Proyektong Halo-halo 5

Isa pang pangalawang tauhan na gagamitin ko, ang ibong maya.





Saturday, April 18, 2009

Pangalawang tauhan: dibuho ng daga

Proyektong Halo-halo 4

Ito ay isa sa mga pangalawang tauhan na gagamitin ko sa kuwento. Ang daga.



Friday, April 17, 2009

Burador na dibuho ng pagong

Proyektong Halo-halo 3

Rough sketches ng pagong. Batay sa Philippine pond turtle.





Thursday, April 16, 2009

Burador na dibuho ng matsing

Proyektong Halo-halo 2

Matagal na rin akong hindi nag-i-sketch. Narito ang ilang rough sketch ng matsing. Maraming kailangang pag-aralan para sa mesh at balahibo. Sa palagay ko kailang ng mga texture map para sa iba't ibang haba, kulay at kink ng balahibo.




Tuesday, April 7, 2009

Proyektong Halo-halo 1: Pagsasakenkoy ng Alamat ng Matsing at Pagong


Proyektong Halo-Halo 1



Dahil baguhan ako sa paggawa ng 3d animation ay pinili ko ang Alamat ng Pagong at Matsing para mahasa ang kaalaman ko sa teknikalidad at pamamahala ng paggawa ng kenkoy.

Hindi ko gagamitin nang buong-buo ang kuwento ni Jose Rizal, sa halip ay babaguhin ko ito. Wala ring dayalogo sa bersiyon ko para hindi na ako mag-lip sync.

Bilang batayan ay narito ang original ni Rizal na pinamagatan niyang "Conte Tagalog, Le singe et la tortue", pranses ng "Kuwentong Tagalog, Ang matsing at ang pagong". Pero ang mga caption ng guhit ay nasa Kastila. Ang unang frame ay may ganitong caption, pero ang iba pa ay nahihirapan na akong mabasa ang sulat ni Rizal.

Un mono y una tortuga encontraran un platanos en un rio,



Sanggunian: Craig, Austin. (1913). Lineage, Life and Labors of José Rizal, Philippine Patriot. Maynila: Phillipine Education Company. Inilusong noong April 7, 2009, mula sa http://www.gutenberg.org/files/6867/6867-h/6867-h.htm.

Sunday, April 5, 2009

Halo-halo espesyal, final render.



Kopya sa animate.blip.tv: http://blip.tv/play/AfiLPAA


Final dahil inabandona ko na muna siya para makatuloy na sa proyekto mismo. Narito ang listahan ng hindi ko nagawa:

  1. texture ng shaved ice, mukha siyang snow dahil snow material talaga siya mula sa Blender Open Material Repository. Dapat may ice crystals iyan pero hindi ko maintindihan kung paano magmix ng soft na shaved ice at rough.
  2. very slooow melting ng ice. Kahit sana scaling lang at changed ng shape, nakalimutan ko na eh. Dapat may kaunting rotation pa ang loob para mukhang nagmemelt. Hindi rin maganda ang transition ng yelo, gatas at matamis.
  3. pagwipe ng condensation particle habang dumaraaan ang softbody at fluid droplets. Nung una inisip ko na animated texture pero parang mahirap kamayin ang path ng mga droplets. Ginawa kong maliliit na particles, pero ng maglagay ako ng collider na mag-kill ng particles, hindi gumana. May mali siguro sa setting ko. Ang idea ay ipath ang collider na nakaparent o nakasabay sa mga droplets.
  4. nakalimutan kong lagayan ng vortex ang ibaba ng cold air stream, para kumalat ang hangin. Kailangan pa ng tweaking ng cold air na ito.

Ang texture ng matamis ay mula sa Wikimedia Commons.

TIA sa anumang dagdag na puna.

Thursday, April 2, 2009

wip: malamig na baso ng halo-halo 2



Nilagyan ko ng droplets na condensation ang baso. Particle ito na nakadamp ng 1.0. Kaya lang ng palakasin ko ang sinag ng isang lamp, nagreflect ito sa malamig na hangin. Kailangang ayusan pa iyon.

Narito ang sample animation.



Kopya sa animate.blip.tv: http://blip.tv/play/Afe5agA
 
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported License.