Sunday, April 5, 2009

Halo-halo espesyal, final render.



Kopya sa animate.blip.tv: http://blip.tv/play/AfiLPAA


Final dahil inabandona ko na muna siya para makatuloy na sa proyekto mismo. Narito ang listahan ng hindi ko nagawa:

  1. texture ng shaved ice, mukha siyang snow dahil snow material talaga siya mula sa Blender Open Material Repository. Dapat may ice crystals iyan pero hindi ko maintindihan kung paano magmix ng soft na shaved ice at rough.
  2. very slooow melting ng ice. Kahit sana scaling lang at changed ng shape, nakalimutan ko na eh. Dapat may kaunting rotation pa ang loob para mukhang nagmemelt. Hindi rin maganda ang transition ng yelo, gatas at matamis.
  3. pagwipe ng condensation particle habang dumaraaan ang softbody at fluid droplets. Nung una inisip ko na animated texture pero parang mahirap kamayin ang path ng mga droplets. Ginawa kong maliliit na particles, pero ng maglagay ako ng collider na mag-kill ng particles, hindi gumana. May mali siguro sa setting ko. Ang idea ay ipath ang collider na nakaparent o nakasabay sa mga droplets.
  4. nakalimutan kong lagayan ng vortex ang ibaba ng cold air stream, para kumalat ang hangin. Kailangan pa ng tweaking ng cold air na ito.

Ang texture ng matamis ay mula sa Wikimedia Commons.

TIA sa anumang dagdag na puna.

No comments:

 
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported License.