Proyektong Halo-Halo 1
Dahil baguhan ako sa paggawa ng 3d animation ay pinili ko ang
Alamat ng Pagong at Matsing para mahasa ang kaalaman ko sa teknikalidad at pamamahala ng paggawa ng kenkoy.
Hindi ko gagamitin nang buong-buo ang kuwento ni Jose Rizal, sa halip ay babaguhin ko ito. Wala ring dayalogo sa bersiyon ko para hindi na ako mag-lip sync.
Bilang batayan ay narito ang original ni Rizal na pinamagatan niyang "
Conte Tagalog, Le singe et la tortue", pranses ng "Kuwentong Tagalog, Ang matsing at ang pagong". Pero ang mga caption ng guhit ay nasa Kastila. Ang unang frame ay may ganitong caption, pero ang iba pa ay nahihirapan na akong mabasa ang sulat ni Rizal.
Un mono y una tortuga encontraran un platanos en un rio,Sanggunian: Craig, Austin. (1913). Lineage, Life and Labors of José Rizal, Philippine Patriot. Maynila: Phillipine Education Company. Inilusong noong April 7, 2009, mula sa http://www.gutenberg.org/files/6867/6867-h/6867-h.htm.
No comments:
Post a Comment